Manila, Philippines – Nakapagtala na raw ang Department of Health (DOH) ng kauna-unahang 17 kaso ng Nipah virus dito sa bansa noong 2014 sa Sultan Kudarat.
Ang nasabing mga pasyente nakakain ng kontaminadong karne ng kabayo.
Ayon kase sa mga eksperto ang zoonotic disease o sakit mula sa hayop ay naililipat sa baboy at kabayo galing sa fruit bat o paniking kumakain ng mga prutas na silang pangunahing carrier ng virus.
Naililipat naman ito sa tao kung makakain o makakainom ng kontaminadong pagkain habang nagkakaroon naman ng human-to-human transmission kapag may nakasalamuhang infected sa virus.
Malalang epekto ng Nipah kapag inatake na nito ang utak at baga ng isang tao na nagreresulta ng ecephalitis at meningitis o pamamaga ng utak at severe pneumonia.
Karaniwang sintomas ng Nipah ang pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo, pagsusuka, pagsakit ng katawan at lalamunan, pagkahilo, pagka-antok, at altered confusion.
Posible ring makaranas ng severe pneumonia, malalang respiratory problems, seizure at coma sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Batay sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) tatagal ng 4-14 na araw ang incubation period ng Nipah Virus.
40-75% ang fatality rate nito mas mataas kumpara sa Covid-19 ngunit paglilinaw ng Kagawaran ng Kalusugan na mabagal ang hawaan sa Nipah habang highly transmissible naman sa Covid.
Mas mabilis pa rin daw ang hawaan sa measles o tigdas kaysa sa sakit.
Kung mortality o dami ng mga namamatay sa sakit naman ang pag-uusapan mas mataas pa rin daw Nipah Virus kumpara sa Covid at tigdas.
Wala pang bakuna sa Nipah, ang sinumang tao na magpopositibo sa sakit ay magagamot lamang sa pamamagitan ng supportive care.
Lumabas din sa pag-aaral ng WHO na ang Cambodia, Ghana, Indonesia, Madagascar, Thailand kasama ang Pilipinas ay ang mga bansang may natural reservoir ng Pteropus bat species at iba pang uri ng paniki.
Sa kabila nito inalis naman ng DOH ang pangamba ng publiko sa sakit.
Hindi na raw ito bago sa Pilipinas, kasabay ng pagtitiyak na handa at nakaalerto ang ahensya sa Nipah Virus.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, hindi pa nila sa ngayon inirerekomenda ang mas mahigpit na travel restriction, ngunit kasalukyan naman na raw ang kanilang surveillance at monitoring.
Paghihikayat lang ng DOH sa mga manlalakbay na maging tapat sakanilang health declaration sa E-Travel.
Ang Bureau of Quarantine (BOQ) nagsasagawa na rin ng thermal scanning at pag-oobserba sa mga aalis at papasok sa bansa.
Bakit daw hindi dapat na mangamba ayon sa kalihim, ang Nipah Virus daw kase na nadetect sa India ay maituturing na isolated, ibig sabihin ang mga healthcare workers na nagpositibo sa sakit ay hindi galing sa labas kundi sa loob mismo ng ospital o sa isang pasyente nilang nasawi kaya’t nasa isang daang katao kaagad na close contact ng mga ito ang isinailalim sa isolation.
Ang mga bansa naman daw na nagsasagawa na ng mahigpit na border control gaya ng Nepal at Thailand ay dahil may direct flights ang mga ito sa bansang apektado.
Samantala pinayuhan naman ng DOH, kumain lamang ng karne ng baboy na aprubado ng National Meat Inspection Service (NMIS), lutuin at hugasang mabuti ang kahit na anong kakainin.
Dahil din daw may virus reservoir ang Pilipinas lalo na sa Mindanao o may natural na Nipah na umiikot pa lang sa mga hayop at hindi sa tao.
Pinaiiwas ng Kagawaran ang publiko na lumapit basta basta sa mga hayop na may sakit Lalo na sa paniki at kabayo.
Sabi naman ng WHO Research and Development Blueprint., isa ang Nipah virus sa 10 diseases na kanilang binabantayan at ipinaprayoridad na pag-aralan dahil kasama ito ng Covid-19 at Zika sa nakikitang nilang psoibleng magdulot ng epidemic.