PROGRESIBONG GRUPO, BINATIKOS ANG PAGBASURA NG KAMARA SA DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PPBM

Manila, Philippines – Dismayado ang progresibong grupo sa naging pagbasura ng mga mambabatas sa dalawang impeachment complain laban kay Pangulong Marcos Jr. 

Ito’y matapos magdesisyon ang mayorya ng House Committee on Justice na ‘insufficient in Substance’ ang dalawang impeachment complaint. 

Ayon kay Bayan Muna Chairperson Atty. Neri Colmenares- isa rin sa mga complainant ng pangalawang reklamo, ginamit ulit ng mga mga miyembro ng komite ng mga argumento sa pagbasura ng impeachment laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. 

Aniya ng dating mambabatas, bagamat alegasyon ang pinaparatang sa pangulo, kabilang kasong sibil at kriminal, lahat umano ito ay dapat patunayan sa korte. 

“All complaints, including civil and criminal complaints are initially mere allegations.  It is only in the hearing or trial that complainants and respondents prove whether the allegations are true or not,” ani Colmenares.

Isa sa binigay niyang halimbawa ang reklamo ng Maza, et.al. na tumanggap umano ang Pangulo ng kickback mula sa Usec. Jojo Cadiz.

Giit niya na kung ang pagturing ng komite sa mga kaso na kanilang inihain para sa impeachment case ni Marcos, ay pawang mga alegasyon, nangangahulugan umano na lahat ng kaso sa Pilipinas ay madidismiss. 

Hinikayat ng dating mambabatas ang mga kasalikuyang mambabatas na ibasura ang kanilang argumento. 

Gayundin na baguhin ang kanilan interpretasyon sa rules ng Committee on Justice.

Isa si Colmenares sa mga tumayong prosecutor sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona noong 2011.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this