LIBRENG SAKAY PARA SA MGA COMMUTERS NA APEKTADO NG MALAWAKANG TIGIL-PASADA, HANDONG NG IBA’T IBANG AHENSYA

Manila, Philippines – Sa gitna ng patuloy na krisis sa produktong petrolyo, hindi na naiwasan ng ilang grupo na hindi manahimik at ipagsawalang bahala sa nangyayaring krisis sa ating bansa. 

Kalakip nito ngayong araw ikinasa ng grupong PISTON ang isang malawakang transport strike at tigil-pasada sa Metro Manila. 

Apektado ng aktibidad ang mga commmuters, bilang tugon naghandog ng libreng sakay ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kabilang na ang Office of the President, Department of Transportation, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police.

Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na tiyaking may masasakyan ang mga pasahero sa gitna ng ikinakasang tigil-pasada ngayong araw.

Ang tanggapan naman ng Office of the Vice President of the Philippines (OVP) ay kasalukuyan din na naghahatid tulong sa mga commuters.

Siyam (9) na bus ng OVP, ang inilaan para sa Metro Manila, Cebu, Davao City, Tacloban City at Bacolod.

Kasunod nito may libreng sakay din na inihandog ang mga Local Government Unit (LGU) sa mga lugar na apektado parin ng malawakang tigil pasada ng PISTON. 

Sa ilalim ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City umalalay at naghatid tulong sa mga commuters ang Q City Bus, e-trikes, QC-owned vehicles, at mga barangay vehicles.

Katuwang rin ang QC Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang gabayan naman ang mga motorista at pasahero.

Ang Pamahalaang Lungsod naman ng Maynila, maaga palang ay umagapay na sa taumbayan, sa tulong ng Manila City DRRM Department at Manila Police District. 

Hindi naman ang pahuli ang Malabon LGU tulad ng iba pang ahensya nag bigay tulong rin ito sa mga nahirapan sumakay dahil sa nagpapatuloy na tigil-pasada. 

Naka-alerto rin ang Malabon Command Center at patuloy ang pagmomonitor upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad nito na maaaring maapektuhan pa ng tigil-pasada.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this