Surigao del Sur, Philippines – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang nasawi habang apat na baril ang nasamsam sa operasyon ng militar sa Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine Army 4th Infantry Division, naganap ang engkwentro noong March 22 sa Barangay Nurcia, Lanuza.
Kinilala ang mga nasawi na sina alias “Ka Rex” at “Ka Bunso,” na kapwa umano miyembro ng SRSDG Westland ng NEMRC.
Narekober naman ng mga tropa ang apat na high-powered firearms mula sa pinangyarihan ng engkwentro.
Sinabi ni 401st Infantry Brigade Commander Col. Glenn Joy U. Aynera, naging posible ang operasyon dahil sa impormasyong ibinigay ng mga residente na umano’y biktima ng pananakot at pangingikil.
“This successful operation highlights the effectiveness of our focused military operations and the invaluable support of the local communities. We will continue to intensify our efforts to dismantle the remaining CTG elements and ensure the safety and security of our area of responsibility,” dagdag niya.
Dagdag pa ng militar, agad nilang siniguro ang lugar upang maprotektahan ang mga sibilyan at maiwasan ang karagdagang banta.
Binigyang-diin naman ni 4ID Commander Maj. Gen. Michele B. Anayron Jr. ang patuloy na operasyon laban sa insurgency upang matiyak ang kapayapaan sa rehiyon.–Carlos Concha, Contributor