LTO, NAG-DEPLOY NG MGA MOBILE PATROL PARA SA LIBRENG SAKAY NG MGA COMMUTER SA METRO MANILA

Manila, Philippines – Nag-deploy ang Land Transportation Office (LTO) ng mga mobile patrol upang magbigay ng libreng sakay sa mga komyuter.

Isinagawa ito sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, bilang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maibsan ang hirap ng pagbiyahe ng mga komyuters, lalo na sa gitna ng pagtaas ng gasolina.

Sa kasalukuyan, umabot sa 12 units ng mobile patrol ang naideploy sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa Metro Manila. 

Kabilang sa mga rutang binabagtas ng libreng sakay ang Aurora Boulevard, E Rodriguez, fairview, Las Piñas, Quirino Highway, Commonwealth Avenue, PhilCoa, Caloocan.

Ayon sa LTO, patuloy nilang babantayan ang sitwasyon ng transportasyon upang matukoy ang iba pang lugar na nangangailangan ng karagdagang sasakyan at serbisyo.—Jabezha Gochuico, Contributors

Share this