BIR NAKIPAGPULONG SA NIC PARA SA MGA ISYU NG MSMEs

Manila, Philippines – Nakipagpulong ang Bureau of Internal Revenue (NIR) sa National Innovation Council (NIC) upang talakayin ang mga isyu na kinakaharap ng mga maliliit na negosyo.

Nakipagpulong si BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza sa mga opisyal ng National Innovation Council upang pag-usapan ang mga usapin na nakakaapekto sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ayon sa BIR, kabilang sa tinalakay ang mga proseso sa pagbabayad ng buwis at iba pang regulatory requirements na hinaharap ng mga negosyo.

Iminungkahi naman ng NIC ang ilang hakbang upang mapadali ang mga proseso at mabawasan ang administrative burden sa MSMEs.

Sinabi ni Commissioner Mendoza na pag-aaralan ng ahensya ang mga mungkahi, lalo na ang mga makatutulong sa pagpapabuti ng taxpayer services at pagpapasimple ng filing system.
Dagdag ng BIR, bahagi ito ng kanilang patuloy na hakbang upang mapabuti ang serbisyo at mapadali ang pagnenegosyo sa bansa.–Carlos Concha, Contributor

Share this