ANTAS NG INFLATION SA BUWAN NG MAYO, BUMABA SA 6.8% — PSA

Manila, Philippines — Bahagyang bumagal ang paggalaw ng inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Mayo sa 6.8%, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Mula sa 7.2% noong April 2026, bumagal sa 6.8% ang galaw ng Inflation rate,  ngunit higit na mas mataas pa rin sa 1.3% noong May 20255. 

Batay sa ulat ni National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, unang dahilan pa rin ng pagbilis ng implasyon ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa Transportasyon, partikular ang presyo ng Diesel at Gasolina. 

Sumunod na nag-ambag sa pagbilis  ng inflation rate ang pagtaas ng bilihin sa Food and Non-alcoholic Beverages, lalo na ang gulay, partikular ang pagtaas ng presyo ng bawang at sibuya, karne at isda, partikular ang karne ng baboy at bangus. 

Ikatlo: bayarin sa housing, water, electricity, gas at other fuel, lalo na ang presyo ng LPG, Liquid Fuels, at bayad sa renta. 

Pahayag ni USEC. Mapa, sa buwan din  ng may tumaas ang presyo ng bigas, isa sa inaasahan niya na magiging dahilan ng pagbilis ng inflation. 

Sa susunod na buwan  may mga risks na posibleng maging dahilan ng pagbilis ng inflation. Kagaya nga panhahon ng tag ulan. 

Kasunod ng inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority hinggil sa inflation noong Mayo 2026, binigyang-diin ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio M. Balisacan ang pangangailangan ng targeted government measures upang mabawasan ang epekto ng mga weather-related disruptions at global uncertainties sa presyo ng mga bilihin at kabuhayan ng mga mamamayan, habang patuloy ding sinusuportahan ang mga negosyo at pinoprotektahan ang trabaho ng mga Pilipino.

Dagdag ng punong ekonomista ng bansa, patuloy na mino-monitor ng pamahalaan sa pamamagitan ng UPLIFT Committee ang inflation at nagpapatupad ng mga hakbang upang mapalakas ang lokal na produksyon ng pagkain, mapabuti ang logistics at market efficiency, at matiyak ang agarang suporta para sa mga vulnerable sector.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this