Manila, Philippines — Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho o Negosyo noong buwan ng Hunyo, batay sa ulat ng Pilippine Statistics Authority.
Batay sa datos ng PSA, tumaas sa 2.59 milyong Pilipino unemployed noong Hunyo, mas mataas sa 2.50 million o 4.8% noong Mayo at mas mataas din kumpara noong Hunyo 2025 na 3.7%.
On month-on-month basis, nagmula ang pinakamalaking pagbaba sa fishing and aquaculture na 207 thousand ang nawalan ng trabaho.
May pagbaba rin sa bilang mga manggagawa sa Manufacturing, Mining and quarrying, human health and social work activities, at accommodation and food service activities.
Habang on-year-on-year basis, Nakita ang pinakamalaking pagbaba sa mga may trabaho sa Elementary occupation at Plant and machine operators and assemblers.
Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa,
Sa kabilang banda, tumaas din ng mahigit isang milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagkaroon ng trabaho noong Hunyo, kaya sa kabuuan 50.66 milyong katao ang may trabaho.
Mas mataas sa 49.63 million o 95.2% noong Mayo at bahagyang mas mataas ng 184 thousand sa 50.47 million noong June 2025.
Umakyat sa 6.11 milyon mula sa dating 6.04 milyon ang bilang ng mga underemployed—o mga Pilipinong may trabaho na naghahanap pa ng karagdagang raket o mas mahabang oras ng pagtatrabaho upang madagdagan ang kita.
Gayunpaman, bahagyang bumaba ang underemployment rate sa 12.1 porsyento mula sa 12.2 porsyento noong Mayo.
Bumuti rin ang labor force participation, kung saan umabot sa 53.25 milyong Pilipino ang may trabaho o aktibong naghahanap ng mapapasukan.
Katumbas ito ng 65.1 porsyentong participation rate, na mas mataas kumpara sa 52.13 milyon o 63.8 porsyento noong nakaraang buwan.—Krizza Lopez, Eurotv News