Kasabay ng paggunita National Health Workers’ Day.
Sama samang nag protesta ang mga grupo ng Health Workers’ upang manawagan sa pamahalaan.
End Contractualization, tutulan ang understaffing, pagtaas ng sahod, karapatan na nararapat sa kanila at mga benepisyo at pribelehiyong hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakukuha.
Ilan lang yan sa mga matagal na daw na hinaing ng mga healthworkers.
Kaya naman ngayong National Health Workers’ Day.
Suot suot ang maskara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Health Secretary Ted Herbosa nag sagawa ng nationwide protest at nag martsa sa kahabaan ng EspaÑa ang iba’t ibang grupo ng mga health workers mula sa pampubliko at pribadong ospital sa bansa.
Ang kanilang mga panawagan sana daw ay makarating sa mga kinauukulang ahensya at gawan ng aksyon.
Ayon sa mga ito matagal na raw nilang isinusulong ang P33K na sahod kada buwan ng mga public at private health workers at P1,100 ang arawang sahod.
Gayundin ang hindi pa rin naibibigay na Health Emergency Allowance o HEA, Covid-19 benefits at Preformance Based- Bonus 2021-2023 ng mga healthworkers na nasa pampublikong ospital.
Ayon sa National President ng Alliance of Health Workers, ang sama sama nilang pagkilos ngayong Health Workers Day ay napapanahon upang muling ipaalala sa pamahalaan ang tila kapabayaan at kabiguaan nilang tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa kalusugan na malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.
“We gathered and united today as this is the most significant and appropriate day to fight for our rights and welfare as we play an important role and contribution in providing vital health services to the Filipino people. Instead of celebrating, we are here in the street protesting because of the government’s continued negligence when it comes to our rights and welfare and the people that we serve.” said Robert Mendoza, AHW national president and convenor of Health Workers United for Wage Increase.
Dalawang taon na rin daw na nakaupo ang Pangulo sakanyang pwesto ngunit tila miserable pa rin daw ang sitwasyon ng mga healthworkers.
Doble rin daw ang pagod na dinaranas ng mga naturang manggagawa dahil sa understaffing hindi naman daw nasusuklian ng mgandang pasahod.
Kaya ang iba raw ay mas pinipiling mag resign, mag retiro ng maaga o di nama kaya’y mag trabaho sa ibang bansa.
Sa panig naman ng Philippine Heart Center Employees Association sinabi ng kanilang presidente na miyembro rin ng AHW na si Sally Ejes ang panawagan nilang taas sahod ay para na rin makasabay sa nagtataasang presyo ng bilihin sa bansa
“Meager wage of health workers becomes insignificant nowadays because it was quickly swallowed up by soaring increase in prices of basic commodities and high inflation rate which further reduced the real value of wages and plunged workers into indebtedness, hunger, and poverty” Ejes said
” Salary Grade 1 (SG1) health workers in public hospital only earn P13,000/month while private health workers receive only P610/day as their minimum pay. Thus, it is relevant that we urgently demand a P33,000.00 entry salary of public and private health workers to be able to cope with our daily needs,” she added
Dagdag pa nito na ang “Bagong Pilipinas” daw na isinuslong ng Pangulo ay hindi raw akma kung patuloy naman daw na nalulubog sa kahirapan ang mga gaya nilang manggagawa.
Ipinunto pa ng mga ito na ang mga panukalang batas na magbebenipisyo sana sakanila ay hindi naman daw umuusad hanggang ngayon.
Gayunpaman patuloy pa rin daw na kinikilala ng mga healthworkers ngayong araw ng mga manggagagawa sa kalusugan ang patuloy na sakripisyo na kanilang ginagawa para protektahan ang kalusugan ng mga Pilipino habang nakikipaglaban sila sa karapatan na dapat nilang natatanggap lalo na ang pakikibaka sa pagtaas ng sahod.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga health workers.
Kung saan kiinikilala nila ang malaking papel na ginagampanan ng mga ito pagdating sa dekalidad na serbisyo at dedikasyon na kanilang inaalay sa bansang Pilipinas.