Nanganganib na mawala ang kabuhayan ng maraming pamilya sa Navotas dahil sa Reclamation Project sa Manila Bay.
Ilang henerasyon na din umano na ang bumubuhay sa mga pamilya rito ay ang pagtatahong na siyang matatamaan di umano ng proyekto.
Ilan sa mga residente ang nagprotesta sa reclamation project na isinagawa sa Manila bay kung saan ang kanilang karaniwang pinagkikitaan ay ang pagtatahong na siyang maapektuhan.
Umabot namna umano sa 5,000 na taniman ng tahong ang nawasak dahil sa binunot ito gamit ang mga backhoe.
Libu-libong pamilya umano rin ang apektado sa ginagawang demolisyon ng mga tahongan.
Mula 1970s, naging produkto na ng Navotas ang iba’t ibang produkto mula sa tahong gaya ng steamed tahong, tahong gourmet, at may tahong chips.
Pero apektado na ngayon ang kabuhayan ng maraming umaasa sa tahong dahil sa isinasagawang proyekto na para sa umano sa kaunlaran.
Inaalis na din daw ang mga gamit na ibinaon sa dagat na kinakapitan ng mga tahong upang tambakan ng lupa, at kalaunan ay tatayuan ng mga gagawing gusali.