Manila Philippines – Nilagdaan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang Ordinance No.9047 na nagsasaad na ang Roxas Boulevard ay hindi maaaring daanan ng mga sasakyan tuwing linggo, mula alas-singko (5a.m.) ng umaga hanggang alas-nuebe (9.am.) ng umaga.
Magiging CAR-FREE ang Roxas Blvd tuwing Linggo mula 5am hanggang 9am simula ngayong Linggo, Mayo 12 hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Ang mga saradong kalsada ay ang northbound at southbound na bahagi ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue kung saan papahintulutan angsa mga residente ng Maynila na maglakad, mag jogging at magbisikleta.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na bukod sa health benefits, layunin din ng ordinansa na mabawasan ang polusyon sa lugar.
“We will make Roxas Boulevard partly car-free starting on May 26, Sunday. I personally inspected Roxas Boulevard to make sure the road will be ready for the people who will exercise. We checked for any hazards and gave instructions to make sure the road, sidewalk, bay walk, and connecting roads are cleared of hazards and garbage,” ani Lacuna.
Tinukoy ng Alkalde ang Mabini at Taft Avenue bilang mga alternatibong ruta ng mga motorista kabilang ang mga trak na ipinagbabawal sa dalawang kalsadang ito.
Samantala, sinabi ni Manila 6th District Councilor Philip Lacuna, may-akda ng draft ordinance na hindi na bago ang pagsasara ng kalsada sa Maynila dahil ipinapatupad ito ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga fun run sa lungsod.
Dagdag pa nito na ang mga light vehicle ay maaaring i-divert sa mga parallel service road sa kahabaan ng Roxas Boulevard at iba pang mga gilid na kalye, habang ang mgaheavy moto vehicle ay maaaring i-rerouting sa kalapit na mga pangunahing lansangan tulad ng Taft Avenue.