MNLF MEMBER, KAUNA-UNAHANG APLIKANTE SA AMNESTY PROGRAM NI MARCOS

COTABATO CITY – Isang aktibong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nag-apply ng amnestiya sa Cotabato City sa ilalim ng Amnesty Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang aplikante, na representate ng kanyang anak, ay naghain ng kanyang amnesty application form matapos ang pagbubukas ng Local Amnesty Board (LAB) sa Cotabato City.

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, ito ay may kaso sa illegal possession of firearms and ammunition na kasalukuyang nakabinbin sa korte.

Ani ng kanyang anak, nakapiyansa na ang kanyang ama ngunit hindi na personal na nakaharap sa LAB-Cotabato dahil sa kondisyon nito sa kalusugan.

Samantala, ang Amnesty Program ng gobyerno na ito ay naglalayon na magbigay ng amnestiya sa mga miyembro ng mga rebeldeng grupo na nakagawa ng mga pagkakasala na maaaring parusahan sa ilalim ng Revised Penal Code sa pagbababuti ng kanilang paniniwala sa politika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this