IBA’T IBANG LGU’S NAGPAHAYAG NG KANILANG REKOMENDASYON SA AGRI DEPARTMENT

MANILA, PHILIPPINES – Dinaluhan ng mga alkalde ng Region I, Region II, Cordillera Administrative Region (CAR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang isang pagpupulong kasama ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA)

Sa naturang pagpupulong iprinesenta ng ilang opisyal ng Kagawaran ang iba’t ibang istratehiya sa ahensya alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Agri-chief Francisco Laurel Tiu Jr.

Kabilang na dyan ang food security, at pagbuo ng mas maunlad na agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng mechanization na tungo sa pagpapataas ng produksyon ng ating mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

READ: IBA’T IBANG KLASENG TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA ZAMBOANGA HINATID NI PBBM

Ayon kay BARMM Agriculture Undersecretary ZamZamin Ampatuan ang pagsasama sama ng mga alkalde sa naturang pagpupulong ay nagbibigay daan sa pamahalaan upang makuha ang panig ng mga lider ng bawat bayan.

“Ang naisip lang po natin ay magkuha tayo ng sampling kung ano ba talaga yung kabuuan ng pangangailangan ng ating mga LGU para makipagtulungan sa Department of Agriculture, kase yan yung kailangan nating gawin ngayon yung engagement,” saad ni Usec. Zamzamin Ampatuan sa isang interview

So after this meeting will just get all those insight yung mga nagbigay comment, ah gawin nating parang sampling” dagdag pa nito.

Isa raw sa mga isinentro ng talakayan na ninanais ding matugunan ng mga LGU’s sakanilang mga bayan ang farm-to-market road.

“Yung magandang kalsada sa National Road binabakbak tapos wala tayong kalsadang farm-to-market road, kung ganoon sana na may convergence fund sa Department of Agriculture, sayang naman yung pera binabakbak yung kalsada.” komento ni Mayor Romeo Tayaban ng Kasibu Nueva Vizcaya sa naganap na pagpupulong

Farm-to-market road which is valid kase nga yung connectivity ng mga productive areas sa mga market, may mga areas na hindi nabubuo hindi naging malago dahil wala pong connection sa market” Ayon kay Usec. ZamZamin.

Gayunpaman nag pahayag ng pagkakaisa ang mga alkalde sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Agrikultura upang matupad ang mithiin ng Pangulo na food security sa pamamagitan ng collaborative initiatives at strategic partnership.

Samantala kasama sa naturang pagpupulong ang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Organic Agriculture at iba pang sangay ng DA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this