DOH, NAOBSERBAHAN ANG PAGBABA NG DENGUE CASE SA PILIPINAS

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagbaba sa datos ng kaso ng Dengue na umabot sa 30% sa nalalabing dalawang linggo ng Abril.

Ipinahayag ng DOH na bumaba ang mga kaso ng dengue sa buong bansa mula sa 5,380 na kaso mula Marso 24 – Abril 6 hanggang sa 3,634 mula Abril 21 – Mayo 4, kung saan naitala ang 30% na pagbaba.

Higit pa rito, simula noong 2024, nakapagtala na ang DOH ng 59,267 dengue cases, kung saan 164 ang nasawi.

Pinaalalahanan naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang publiko na habang papalapit na ang tag-ulan, tukuyin na nito ang mga lugar na pinag-iitlugan ng mga lamok at puksain ito.

Pinayuhan din ang publiko na magsuot ng mga damit na mayroong takip sa balat, maglagay ng mosquito repellent lotion o spray, at simulan na panatilihin ang tamang hydration para sa mga pasyente.

Ayon sa DOH, ang dengue ay sanhi ng virus na kumakalat mula sa lamok patungo sa mga tao.

Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pagduduwal, at mga pantal.

Ang isang taong may dengue ay maaaring makaranas ng mga sintomas 4 hanggang 10 araw pagkatapos makagat ng lamok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this