BAGONG REGULATION NG CHINA SA WPS EMPTY THREAT – NSC

MANILA PHLIPPINES – Maituturing na empty threat ang panibagong polisiya ng China kaugnay sa pagpapahintulot sa kanilang mga Coast Guard na ikulong ang trespassers sa mga pinag-aagawang karagatan sa West Philippine Sea.

Ayon sa National Security Council (NSC) ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas ma-igting na presensya ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa WPS kaugnay
sa naturang regulation ng china.

Nag-utos na ang ating Pangulo and National Security Adviser Eduardo Año, sa ating Philippine Coast Guard, kasama na rin ang ibang mga assets gaya ng Philippine Navy na paigtingin iyong presensya, kumbaga sa lungsod police visibility.” ayon kay ADG Jonathan Malaya.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Assistant Deputy General Jonathan Malaya na itinuturing ng pamahalaan na empty threat o salita lamang ang banta na ito ng China.

Noong 2021 naglabas na rin sila ng bagong coast guard noon na may ganito rin powers and authority pero hindi naman nila ginawa ‘no. it’s been how many year since then, so ang sa tingin namin and sa tingin din ng Philippine Coast Guard, this is an empty threat on the part of China.” dagdag pa nito.

Sabi naman ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Jay Tarriela itinaon lamang ng China ang paglalabas ng kanilang bagong batas matapos ang matagumpay na civillian resupply mission
noong nakaraang linggo.

Gusto lamang aniya ng China na i-discourage ang civil society hindi lamang sa Pilipinas kundi ang iba pang claimants sa disputed water.

Dagdag pa nito sakit daw kasi sa ulo ng China ang civil society groups lalo na kapag nagmula ang mga ito sa Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na kabilang rin sa mga nakikipagtalo sa disputed waters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this