MANILA, PHILIPPINES–Sa kabila ng minsanang pagbuhos ng ulan sa ilang parte ng bansa tuwing hapon, maraming lugar pa rin ang tinatayang makakaramdam ng matinding antas ng heat index, na maaaring pumalo sa 42°C hanggang 50°C.
Batay sa 2-day Forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 47 lugar sa bansa ang tinatayang nasa orange o dangerous level sa ika-21 ng Mayo.
42°C na heat index ang maaaring maramdaman sa:
- CLSU Muñoz, Nueva Ecija
- Baler, Aurora
- Mulanay, Quezon
- San Jose, Occidental Mindoro
- Puerto Princesa City
- Legaspi City, Albay
- CBSUA-Pili Camarines Sur
- La Granja, La Carlota, Negros Occidental
- Panglao International Airport, Bohol
- Siquijor
- Tacloban City, Leyte
- VSU- Baybay, Leyte
- Davao City
- Surigao City
43°C naman ang nakataas sa:
- Casiguran, Aurora
- Cubi Point, Subic Bay Olongapo City
- Alabat, Quezon
- Coron, Palawan
- Cuyo, Palawan
- Daet, Camarines Norte
- Mambusao, Capiz
- Maasin, Southern Leyte
- Dipolog, Zamboanga Del Norte
- Zamboanga City
- Cotabato City
Samantala, 44°C na heat index naman ang maaaring maranasan sa:
- NAIA Pasay City
- Science Garden Quezon City
- Laoag City, Ilocos Norte
- Aparri, Cagayan
- Tuguegarao City
- ISU Echague, Isabela
- Iba, Zambales
- Aborlan, Palawan
- Masbate City
- Dumangas, Iloilo
- Catarman, Northern Samar
- Catbolagan, Samar
Anim na lugar naman ang tinatayang aabot sa 45°C ang mararamdamang heat index, kabilang na ang:
- Dagupan City
- Bacnotan, La Union
- Ambulong, Tanauan, Batangas
- Virac, Catanduanes
- Iloilo City
- Butuan City, Agusan Del Norte
46°C naman sa Sangley Point, Cavite; 47°C sa Roxas City, Capiz; habang maaari namang pumalo sa 50°C ang heat index sa Guiuan, Eastern Samar.
Pinaaalalahan ang publiko na mag-doble ingat lalo pa’t maaaring maging sanhi ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke ang ganitong lebel ng heat index.
Samantla, easterlies pa rin ang umiiral na weather system sa bansa na inaasahang magdadala ng mainit at maalinsangang panahon, at posibilidad ng kalat-kalat o panandaliang buhos ng ulan sa malaking mahagi ng bansa.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, wala pa ring inaasahang mamumuong Low Pressure Area (LPA) o bagyo ngayong linggo.