MANILA PHILIPPINES – Naglabas na ng opisyal na pahayag si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasunod ng mga kontrobersiyang ibinabato sa kanyang pagkatao.
Ayon kay Guo mariin nitong itinanggi na isa syang espiya ng china at nangako ng kanyang katapatan sa Pilipinas.
Anya wala syang kinalaman sa sa iliegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firm sa Baofu compound na sakop ng kanilang munisipyo bagamat ipinagmalaki nito ang mga benepisyo ng naturang kumpaniya sa kanilang bayan.
Inamin din ng alkalde na ang kaniyang tunay na ina ay kanilang kasambahay na iniwan siya noong bata pa lamang si Guo.
“Alang alang sa aking mga kababayan na nagtitiwala at nagmamahal sa akin ay buong tapang ko pong sasabihin na akoy isang “LOVE CHILD” ng mahal kong ama sa aming kasambahay,” saad ni Guo sa pahayag.
“Na ako po ay iniwan ng aking biological mother bata pa ako noon,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng maraming alegasyon laban sa kanya kabilang na ang pagiging asset umano ng China iginiit nito na hindi siya magbibitiw sa kanyang pwesto.
“Hindi po, hindi ako magre-resign. I will continue serving my constituents,” sabi ni guo sa panayam sakanya sa ANC.
Ang pag-amin aniyang ito ay alang-alang sa mga kababayan niyang nagtitiwala, nagmamahal sa kaniya ng buong tapang.
Humingi na rin ito ng paumanhin sa taong gobyerno na naguluhan sa mga naging sagot nya sa nakaaraang senate committee hearing na pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros at Senator Win Gatchalian.