1 PATAY, 30 SUGATAN DAHIL TURBULENCE NG SINGAPORE AIRLINES

Bangkok Thailand — Isa ang nasawi habang hindi bababa sa tatlumpong pasahero ang nasugatan matapos tumama ang matinding turbulence sa Singapore Airlines flight SQ-321 mula London patungong Singapore.

Bunsod ng malakas na clear-air turbulence (CAT) napilitang mag-emergency landing ang naturang eroplano sa Bangkok.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamunuan ng Singapore Airlines sa kaanak ng 73-taong gulang na Briton na nasawi dahil sa insidente.

“Singapore Airlines offers its deepest condolences to the family of the deceased. We deeply apologize for the traumatic experience that our passengers and crew members suffered on this flight,” sabi ng airline sa isang pahayag.

May lulang 200 na pasahero ang nasabing eroplano habang 18 ang crew members nito.

Kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na limang Pilipino ang kabilang sa pasahero ng Singaporean Airlines.

Base naman sa impormasyon ng Philippine Embassy sa Bangkok, ipinarating nito sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatili sa ospital sa Bangkok ang limang Pilipinong lulan ng eroplanong patungong Singapore.

“…we received information from BKPE that they are still in a hospital in Bangkok,” sabi ng DFA sa isang pahayag.

Patuloy umano ang kooperasyon ng embahada ng Pilipinas sa Bangkok sa kalagayan ng mga Pilipino pasahero ng Singaporean Flight.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this