Cebu City — Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ni Cebu City Mayor Michael Rama at pito pang ibang opisyal ng lungsod patungkol sa kanilang anim na buwang preventive suspension.
Na-dismiss ang Petisyon Cebu City Mayor Michael Rama dahil umano sa Ilang kadahilanan.
Nauna Dito ay ang nabigo ang petitioner namagpahayag ng meritorious grounds sa petisyon kung bakit hindi itinuloy ang mga alternatibong legal na remedyo bago ihain ang kasalukuyang petisyon.
Pangalawa, ang orihinal na transcript transaction na mga resibo mula sa pribadong courier, na nagsisilbing patunay ng pagpapadala ng petisyon, ay hindi idinagdag sa petisyon.
Sa huli, ang assailed office ng ombudsman nakalakip sa petisyon ay napatunayang isang photocopy lamang.
Matatandaang nasuspinde si Rama at pitong iba pa dahil sa kabiguan ng kanyang administrasyon na bayaran ang ilang mga empleyado ng kanilang suweldo sa loob ng ilang buwan.