MANILA PHILIPPINES – Kasado na sa ikalawang linggo ng hunyo ang ikalawang Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos na Cope Thunder air exercises.
Nakakatakda itong simulan sa June 17 hanggang June 28.
Sa isang pressbriefing nitong miyerkules sinabi ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na layon ng aktibidad na sundan ang naunang edisyon ng drills na naganap mula Abril 8 hanggang 19.
“We have our upcoming bilateral activity with the United States Air Force which is “Cope Thunder Two’ which is the second iteration of this exercise. Focus on this exercise is (training for) large force deployment,” Castillo said press briefing.
Ang malaking puwersang deployment ay tumutukoy sa pagpapadala ng malaking bilang ng mga tauhan ng Air Force at sasakyang panghimpapawid at mga kaugnay na kagamitan sa malalayong lugar.
Aniya, ang air military drills na ito ay bahagi ng paghahanda ng kanilang hukbo para sa kauna-unahang partisipasyon ng Royal Australian Air Force “Pitch Black” exercises kung saan nakatakdang aktwal na lumahok ang mga sasakyang panghimpapawid ng PAF.
READ: 2 PCG VESSELS TO JOIN BALIKATAN EXERCISE IN ILOCOS NORTE
Ang “Pitch Black” na pagsasanay ay itinakda mula July 12 hanggang August 2 nitng taon, ay kinabibilangan ng mga tauhan at sasakyang panghimpapawid mula sa mahigit isang dosenang bansa.
Ang Australian air exercise ay isang biennial event at madalas na nagaganap sa Northern Territory ng Australia.
“So remember (the) ‘Pitch Black’ exercise will be the first ever multi-lateral exercise the PAF will be participating in with our aircraft, the FA-50 aircraft,” Castillo said.
Inaasahang lalahok sa multilateral exercise ang limang FA-50s ng Philippine Airforce dagdag pa nito.