MANILA PHILIPPINES – Nahatulang guilty ng Supreme Court ang dating abogado at Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon dahil sa gross misconduct dahil sa perjury at paggawa ng mga akusasyon batay sa mga hearsay.
Base sa resolution na inilabas ng SC bukod sa disbarment, pinagmumulta din siya ng ₱150,000 at hindi siya eligible sa anumang judicial clemency.
Ayon sa Supreme Court, may kinalaman pa rin ito sa mga pahayag niya sa impeachment case na inihain laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Hindi pinatawan ng disbarment si Gadon dahil una na siyang inalis sa pagiging abogado.
Sa isang pahayag naman na inilabas ng kalihim sinabi nitong matagal na nyang itinigil ang pagpunta sa mga korte mula pa noong 2014.
READ: LARRY GADON
Anya nuon paman ay nasa corporate executive na rin sya at hindi na nito sinasanay pa ang maging isang abogado.
“Since 2014 I have stopped and retired from appearing in courts”. Even before I was more of a corporate executive than a ‘practicing lawyer so this disbarment did not affect me whatsoever more so financially as i earn more as corporate executive“,sabi ni gadon sa isang pahayag.
Kaduda duda rin anya ang paglabas ng resolution ng SC kasunod ng kanyang pambabatikos sa ABS CBN.
Sabi ng kalahim ang Public Information Officer kasi ngayon ng SC ay dating reporter ng ABS CBN.
“the timing of the release of the SC resolution is also suspicious at this time that i publicly criticized Abs Cbn and at this time that i have announced plans to urge the HoR to open the case of Abs Cbn anew,”
“the Public Information Officer of the SC now is a former Abs Cbn reporter,”dagdag pa niya