MUNTINLUPA LGU, BUCOR, PANANATILIHIN ANG LANDMARKS SA NBP

Muntinlupa City – Nilagdaan ng Muntinlupa LGU at Bureau of Corrections ang isang memorandum of agreement patungkol sa protektahan ng ilang makasaysayang landmarks na matatagpuan sa loob ng New Bilibid Prison Reservation.

Ilan sa mga landmarks na ito ay ang Jamboree Lake na may Liberty statue, Memorial Hill, NBP Administration Building, Japanese Cemetery, at Director’s Quarters.

Pinirmahan ni Mayor Ruffy Biazon at BuCor Acting Director Gen. Gregorio Catapang Jr. ang kasunduan upang tiyakin ang karagdagang proteksyon, preserbasyon, at pagpapanatili ng mga nasabing landmark.

Nagkasundo rin ang pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at BuCor na buuin ang mga bagong pasilidad gaya ng Jamboree Lake Pavilion, visitor center, viewing deck, waiting shed, signages, at pampublikong palikuran.

Magkasundong sinangayunan ng magkabilang partido na isagawa ang lahat ng makatwirang hakbang upang mapanatili ang mga ari-arian na pamana ng kultura sa kanilang kasalukuyang estado.

Samantala, isang technical working group naman ang nilikha para tulungan ang dalawang institusyon sa pagsasaliksik, pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri Ng mga patakaran, programa, at proyekto para sa mga makasaysayang kagamitan at lugar sa loob ng NBP Reservation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this