PNP ACG, NAGBABALA SA KUMAKALAT NA CHARITY SCAMS SA BANSA

Manila Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group patungkol sa kumakalat na mga charity scams sa bansa.

Ayon sa ahensya, ang mga scammers na ito ay ginagamit ang mga natural na sakuna at iba pang mga emergencies upang paglaruan ang simpatiya ng mga taong maaaring magbigay ng tulong.

Samantala, nagbigay naman ng ilang paalala ang PNP cybercrime group kung paano masisiguro ang pagpili ng mas karapatdapat na pagbibigyan ng donasyon:

  1. Huwag husgahan ang isang charity base lamang sa pangalan
  2. Mag-ingat sa mga ’emotional appealed charities’ at maging kahina-hinala sa mga organisasyong may malabo na plano para sa pagbibigay ng mga pondo.
  3. Tanungin ang organisasyon kung bakit ito nanghihingi ng mga donasyon.
  4. Tandaan na ang mga ‘reputable charities’ ay hindi ka mamadaliin hingan ng kahit anong kontribusyon o donasyon.
  5. Mag-ambag sa pamamagitan ng tseke at gawin ito sa organisasyon
  6. Kung mag-dodonate naman online, usisain maiigi kung ito ay secure na website, gaya ng web address na nagsisimula sa ‘https:’, na ang ibig sabihin ng ‘s’ ay secure.
  7. Maging maingat sa mga grupo o indibidwal na nanghihingi ng donasyon sa pamamagitan ng telepono, email at door-to-door.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this