MANILA PHILIPPINES – Gustong ipa ban ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang tiktok at iba pang foreign adversary-controlled applications na may kaugnayan sa mga bansang kalaban ng Pilipinas.
Sa ilalim ng House Bill 10489 na inihain ni Abante isa sa maaaring i-ban ay ang TikTok na mayroong 49.9 milyong active user sa Pilipinas. Ang TikTok app ay konektado umano sa ByteDance na iniuugnay sa Chinese Communist Party (CCP).
Na may posibleng banta sa Pambansang seguridad at territorial integrity.
“With the rising tension between China and the Philippines, the government must take positive preemptive action to ensure that we protect our citizens from manipulation and misinformation campaigns using social media––from any foreign adversary country,” Ayon kay Abante.
Sa ilalim ng panukala tutukuyin ng Pangulo ang mga bansang posibleng hindi kasundo ng Pilipinas.
Ayon pa sa mambabatas ang TikTok ay nangongolekta ng mga datos mula sa mga user at subscriber nito na madaling maipadala sa Chinese government.
READ: cong. benny abante wants tiktok to ban in the Philippines
“With the rising tension between China and the Philippines, the government must take positive preemptive action to ensure that we protect our citizens from manipulation and misinformation campaigns using social media––from any foreign adversary country,” dagdag nito.
ilang bansa na aniya ang nagpatupad na ng batas para i-regulate at ipagbawal ang Tiktok sa kanilang mga teritoryo, kabilang ang India.
Kabilang rin ang ilan pang bansa na nagbawal ng tiktok ang Australia, Belgium, Canada, Denmark, the European Union, France, Indonesia, the Netherlands, New Zealand, Nepal, Norway, Pakistan, Taiwan, United Kingdom at ang Estados Unidos.