SEEDABLE CLOUDS, NAKIKITA NG DA SA WESTERN VISAYAS

Negros Occidental– Namataan ang seedable clouds na kailangan para magdulot ng pag-ulan sa Negros Occidental at iba pang bahagi ng Western Visayas.

Gayunpaman, ang Department of Agriculture (DA) ay naghahanap pa rin ng pondo para sa cloud-seeding operations.

Sinabi ni DA Assistant Regional Director Albert Barrogo, sa isang panayam noong nakaraang linggo, na humigit-kumulang P6 milyon ang kakailanganin para sa cloud seeding sa Western Visayas.

Dagdag pa ni Barrogo na ang mga kamakailan na pag-ulan ay napaka ikling panahon, kaya kakailanganin pa rin ang pagsasagawa ng cloud seeding sa huling linggo ng mayo hanggang ikalawang linggo ng Hunyo upang makatulong na marekober ang mga pananim sa agrikultura.

Batay naman sa weather bureau ng bansa na magiging mas mababa sa normal ang ulan hanggang Hunyo.

Umaasa naman sina Rep. Emilio Yulo III ng 5th district ng Negros Occidental at Gov. Eugenio Jose Lacson na ang cloud seeding operations ay maisasalba pa ang mga nasirang pananim sa Negros Occidental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this