MANILA PHILIPPINES – Sinita ng mga tauhan ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transpiration (DOTr-SAICT) ang driver ng isang SUV na dumaan sa Edsa Busway at nagpakilalang pang chairman ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon sa report ng SAICT pinara ng kanilang mga tauhan ang isang kulay puting “Ford Ranger” kagabi sa EDSA-Ortigas northbound.
Sa halip raw na ibigay nito ang kanyang OR-CR nangatuwiran pa ang nagmamaneho ng sasakyan at nagpakilala pang taga-Department of Transportation (DOTr).
Nagbigay rin ito ng calling card kung saan nakalagay ang pangalan ni PNR chairman Michael Ted Macapagal.
Nagalit pa raw ito nang hingin ang kanyang OR-CR at iginiit na taga-DOTr sya sabay karipas ng kanyang sasakyan.
Dahil dito, nagpadala na ng request ang SAICT sa Land Transportation Office (LTO) para maglabas ng show cause order laban sa driver ng SUV.
Sa isang pahayag mariing itinanggi ni Macapagal na sya ang naturang driver na dumaan sa edsa busway.
“Una po, mariin ko na itinatangi ang akusasyon na ako raw po ay dumaan sa EDSA Busway kagabi. Nasa Olongapo ho ako kagabi at pinagdiriwang namin ang birthday ng aking 7-year old son,” ayon kay macapagal.
Nakatakda anya syang magpakita sa DOTr para malinis ang kanyang pangalan.
“Ikalawa, makikipag-ugnayan po ako sa imbistigasyon na magaganap upang linisin ang pangalan ko at mahuli na rin kung sino man ang lumabag sa batas.
Salamat po,” dagdag pa nito.