ANGKAS, NAIS NA KILALANING INFORMAL SECTOR WORKER

Manila,Philippines – Naghahanap ng pormal na pagkilala sa mga informal sector workers ang motorcycle taxi provider na angkas upang mabigyan umano sila ng pagkakataong makakuha ng mga benepisyo tulad na lamang ng serbisyong pinansyal na siyang tinatamasa ng mga emplyedao saa pormal sektor.

Sinabi ni Angkas CEO George Royeca na ang mga manggagawa sa informal sectors ay “matagal nang nag-aambag sa ekonomiya ng bansa, ngunit walang parehong access sa mga benepisyo na nagagawa umano ng mga miyembro sa mga formal sector.

Ani pa Royeca, ang mga informal workers, tulad ng mga boatman, masahista, at mga habal-habal driver, ay nagtatrabaho na, ngunit walang tulong ng gobyerno at serbisyong pinansyal, at tamang pag-access sa maraming iba’t ibang benepisyo dahil ang kulang daw ay mga patakaran sa ekonomiya na kumikilala sa kanilang larangan.

Hinimok naman ng Angkas chief ang mga policymakers at business persons na kilalanin at bigyang kapangyarihan ang informal sectors kung saan binanggit ang transformative power nito.

Idinagdag niya na ang pagkuha ng suporta ng gobyerno ay mahalaga para sa prosesong ito.

Binanggit naman ni Royeca ang pagiging lehitimo ng mga motorcycle riders, lalo na mula sa informal sector ng habal-habal o ang two-wheel “colorum” service.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this