5K NON-TEACHING PERSONNEL PLANONG I-HIRE NG DEPED

MANILA, PHILIPPINES – Maaari na ngayong mag hire ng 5,000 Non-Teaching Personnel ang Department of Education (DepEd) na makakatulong sa mga guro sakanilang alternative task.

Ito’y matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondong gagamitin dito na bahagi ng fiscal year 2024.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ang naaprubahang pondo ay alinsunod sa hiling ng Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga guro na mabawasan ang kanilang work load.

Ang mga matatanggap na non-teaching personnel ay ipadadala sa iba’t ibang School Division Offices sa bansa partikular sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region 1 hanggang Region XII at sa Caraga.

Base sa inaprubahang budget ng DBM magiging bahagi sila ng Administrative Officer II positions ng Deped at sasahod sa ilalim ng Salary Grade 11 o katumbas ng P27,000 hanggang P29,000 kada buwan.

Ang pondong gagamitin dito ay magmumula sa miscellaneous personnel benefits fund sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Binigyang diin naman ni Pangandaman na ang hakbang na ito ay upang makatulong sa mga guro na mas mabigyang pansin ang kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Ilan lang sa administrative task na pinapasan ng mga guro sa eskwelahan ang pag-aaasikaso sa enrollment, pagtulong sa mga extracurricular activities, pagsasagawa ng mga evaluation, pagdalo sa mga seminars at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this