MULTA SA MGA TELCO NA MABAGAL ANG INTERNET, ISINUSULONG

MANILA, PHILIPPINES – Lumabas sa mga pag-aaral na nangungulelat ang Pilipinas sa buong South East Asia na may pinaka mabagal na internet services.

Kaya naman isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa kamara na maipasa ang isang panukalang batas na magbibigay ng multa sa mga Telecommunications companies na hindi maayos ang kanilang internet connection.

Ayon Kay Makati City Representative Luis Campos Jr. na isa sa principal author ng panukala, nilalayon nitong bigyan ng leksyon ang mga telco company na bigong maibigay ang internet speed target ng kanilang mga customer.

Sa ilalim kase ng House Bill 10215, P1M ang ipapataw na multa sa mga ito kada araw o katumbas ng P365M kada taon.

Binigyang diin din ni Campos na malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga Telco Company sa bansa lalo na’t bahagi na ng araw araw na gawain ng bawat indibidwal ang paggamit ng internet sa kanilang trabaho o pag-aaral.

Kaya naman ang mas mabilis daw na internet ay mas kailangan sa panahon ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this