MANILA PHILIPPINES – Plano ni Manila First District Representative Ernix Dionisio na maghain ng panukalang batas para i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa bilang pagsuporta sa inihaing panukala ni Senator Sherwin Gatchalian na tuluyang alisin ang POGO sa Pilipinas.
Ayon kasi kay Dionisio bagamat may mga benepisyong nakukuha rito pili lamang ang mga nagpbebenepisyo, at hindi maikakaila ang mga negatibong dulot nito sa ating lipunan lalo na sa usapin ng kriminalidad.
READ: OSG, BUMUO NG SPECIAL TEAM PARA IMBESTIGAHAN SI BAMBAN TARLAC MAYOR ALICE GUO
Gaya ni Dionisio, hindi rin pinapayagan ng kanyang kapwa mambabatas na si Manila 5th District Representative Irwin Tieng na magkaroon ng mga POGO establishments sa kanilang bakuran.
“POGO selective people lang ang nag be-benefit tapos hahagisan ng barya yung gobyerno..pero ‘kakabit nung pogo ang daming kriminalidad,” sabi ni dionisio.
“maganda kung maganda (POGO) nakakapasok ng pera marami kasi syang napapatrabaho, kaso problema may asawa sya na ano e.. may mga criminality involve e,” ayon kay Tieng.
Gaya ng POGO nais rin ng dalawang mambabatas na alisin na ang Online Sugal hindi raw kasi ito dapat ginawang accessible lalong lalo na sa mga bata.
Nagiging sanhi pa anya ito ng pagkalulong ng ating mga kababayan sa sugal dahilan para mabaon pa sa utang ang mga ito.
Sabi ni Dionisio dapat na rin i regulate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang gambling sa bansa na syang nagiging dahilan ng pagkalulong ng mga mahihirap na Pilipino.
Hindi na rin naiwasan na matanong ang dalawang mambabatas patungkol sa nagpapatuloy na senate hearing kaugnay sa pagkatao at tunay na kwento sa likod ng pangalan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ani, Dionisio kung totoo ano’t ano man raw ang kalalabasan ng imbestigasyon sa senado pagkatao ni guo hindi maitatanggi na maraming kriminalidad ang nangyayari sa kayang bakuran kasunod ng
pagkakabisto ng pogo sa likod ng kanyang munisipyo.
Nakakatakot rin daw kung sakali mang may isang alkalde sa Pilipinas na hindi naman Pilipino.
“na… sana hindi naman kasi kung totoo, na meron naging mayor sa bansa natin na hindi Pilipino nakakatakot yun.” pangalawa nanjan na yung mga iligal na nangyayari money laundering, totoo man
o hindi na Pilipino o Chinese si mayor Guo, nangyayari na dun sa lugar nya laahat ng kriminalidad..yun ang bottomline,” dagdag ni Dionisio.
Bukod sa imbestigasyon sa senado hinggil kay Guo, ilan sa mga iniuugnay sa mga ilEgal na POGO ang kaso ng Human Trafficking, scam, at iba pang criminal activities sa bansa.