MANILA PHILIPPINES – Inaprubahan ng Supreme Court ang petisyon ng Department of Justice na ilipat sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang pagdinig sa dalawang kaso ni Pastor Apollo Quiboloy na inihain sa Davao RTC.
Sa resolution na inilabas ng SC sa kanilang website akakita sila ng isang compelling reasons para payagan ang paglilipat ng venue upang maiwasang magkaroon ng public interest.
Makatutulong rin daw ito para maihayag ng malaya ng mga testigo ang kanilang mga testimonya laban quiboloy at iba pang akusado.
“As this could cause local biases and a strong possibility that witnesses cannot freely testify due to fear and influence of the accused, the Court found it prudent and judicious to order the transfer of the cases to Quezon City,” sabi sa pahayag ng SC.
Inutusan ng Korte ang Davao City RTC Branch 12 na ipasa ang buong rekord ng mga kaso sa Office of the Executive Judge ng Quezon City RTC sa loob ng tatlong araw pagkatapos matanggap ang notice.
Sa isang liham noong April 4 humiling si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa SC na ilipat ang lugar sa paglilitis kay quiboloy para sa pagpapanatili ng integridad ng mga paglilitis
na maaring makaapekto sa hindi patas na paglilitis sa davao City.
“considering the significance of the subject cases extends beyond the local context, touching on broader national policies, public interest, and security concerns; and the preservation of integrity of the proceedings as there is a likelihood of local biases potentially affecting the trial’s impartiality in Davao City.”