Makati Philippines – Nasabat ng mga pulisya ang tumitimbang na 12.5 kilograms na shabu at kush na nagkakahalaga ng 85 million pesos sa isang condominium sa Makati City.
Arestado ang suspek na kinilalang si Aureo Cabus Jr. y Alota matapos makapag issue ng warrant of arrest ang National Capital Region Police Office sa paglabag nito sa Section 11 at 12 ng Republic Act 9165.
Naisagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Regional Special Operations Group, Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit, Special Drug Enforcement Unit pf Makati CPS, Makati SWAT, Makati Sub-station 6, Makati CPS, at Philippine Drug Enforcement Agency.
Ilan sa mga nasamsam ng mga pulisya ay ang dalawang pu’t apat na malalaking vacuum-sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang medium-sized na self-sealing plastic sachet na naglalaman ng tinatayang timbang na apat na daang gramo ng shabu, tatlong maliliit a plastic ng shabu, dalawang medium-sized na self-sealing plastic sachet na naglalaman ng kush, drug paraphernalia, ilang identification cards at bank cards, at susi ng sasakyang blue sedan na may plate number na NCD 7353.
Dinala na sa tanggapan ng RSOG-RID, NCRPO ang naarestong suspek at ang mga narecover na ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon ng kaso.