MAMBABATAS HINIHIKAYAT ANG ASEAN NA MAGKAISA LABAN SA CHINA

Manila Philippines — Hinihikayat ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na magkaisa laban sa ilegal na aktibidad ng China sa South China Sea.

Kasunod ito sa ibinalita ng opisyal ng Militart na kinumpiska ng China ang isang suplay crates ng mga pagkain na nakalaan sa BRP Sierra Madre, pero ikinalakat at itinapon ng mga Chinese sa karagatan.

Ayon kay Castro, nagiging gahaman, sinisira at ninanakaw aniya ng China ang mga lamang dagat na dapat sanay napapakinabangan ng mga Pilipinong mangingisda.

“China is increasingly becoming a big greedy dragon; stealing and destroying the treasures and resources of peaceful people,” ani Castro sa isang pahayag.

READ: CHINA, INAMING NAKIPAGKASUNDO SA AFP HINGGIL SA ‘NEW MODEL’ SA AYUNGIN SHOAL

Dahil dito nananawagan si Castro sa mga bansang nakakasakop sa South China na magkaisa at maghain ng kaso sa United Nations laban sa China.

“We Filipinos, along with other ASEAN countries with claims at the South China Sea, must unite in patrolling our waters and file cases against this growing monster at the UN,” dagdag pa ni Castro.

Mariin din kinokondena ng mambabatas ang mga aktibidad ng Chinese Coast Guard at nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng mas matibay na paninindigan laban sa China.

“We cannot let China’s bullying tactics go unchecked. It’s time for us to stand up and fight for our rights and our territories,” sabi pa ng mambabatas.

Sa isang pahayag sinabi naman ng Chinese Foreign Ministry na magpapatuloy ang China sa pagdedepensa sa kanilang soberanya, karapatan at maritime interests.

Kasabay ng panghihikayat sa Pilipinas na sumunod sa kanilang pangako at sumunod sa paglilimita ng teritoryo.

RELATED: DFA FILES PROTEST VS CHINA’S FISHING MORATORIUM IN SCS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this