‘FLIRT VARIANT’ NG COVID-19, NAITALA NA SA BANSA – DOH

MANILA, PHILIPPINES – Naitala na sa bansa ang unang kaso ng bagong variant ng Covid-19 kabilang na dyan ang KP.2 o mas kilala bilang ‘Flirt Variant’

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may dalawang kaso na silang naitala noong Mayo.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan naitala ang dalawang kaso ng KP.2 variant mula sa isinagawang sequencing data ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC).

Bukod dyan 30 kaso rin ng JN.1 at JN.1.18 ang naitala noong nakaaraang buwan.

Gayunpaman ayon sa DOH, nananatiling nasa low risk ng Covid-19 ang bansa.

READ: ENTRY POINT NG PILIPINAS NAKA-HEIGHTENED ALERT KONTRA FLIRT VARIANT

Mild at manageable o hindi rin daw nagdadala ang mga naturang variant ng malubhang sakit sa isang indibidwal na tatamaan nito, kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko.

Sa kabila nyan pinapayuhan pa rin ang lahat na maging maingat at kung maaari ay ipatupad ang minimun public health standard.

Ang mga naturang variant ang isa sa mga itinuturong dahilan ng pagdami ng mga kaso ng Covid-19 sa Singapore at Amerika, ayon sa World Health Organization (WHO).

Samantala ang mga Covid variant na JN.1.7, JN.1.18, KP.2, at KP.3 o flirt variants ay kasalukuyan pa ring nakasailalim sa Variant Under Monitoring (VUM) ng WHO.

Sa ngayon nakapagtatala ang DOH ng mahigit sa 300 kaso ng Covid-19 araw araw sa bansa, higit daw yan na mababa kumpara noong nakaraang taon na umaabot hanggang 1,750.

READ: PILIPINAS, MALAYO SA PANGANIB NG BAGONG VARIANT NG COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this