MMDA, LTO LUMAGDA SA KASUNDUANG MAACCREDIT ANG MRA

MANILA ,PHILIPPINES –Nilagdaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang isang kasunduan para sa accreditation ng Motorcycle Riding Academy (MRA) .

Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na nakasaad sa Memorandum of Agreement sa LTO, magiging accredited ang motorcycle riding academy bilang Practical Driving Examination Center (PDEC).

Dagdag pa rito, ayon sa MMDA kinakailangang magawa sa MMDA MRA ang mga sumusunod na motorcycle maneuvers; serpentine maneuver, left turn and stop in the box, cone weave and U-turn, at acceleration and sudden braking.

Dagdag pa nito na magkakaroon rin ng interconnection ang MMDA MRA sa Land Transportation Management System. Magtatalaga rin daw ang LTO ng driver’s skills rater para magsagawa ng practical driving examination.

Samantala ang pagsasanay sa MRA ay mananatiling libre.

Ang MMDA MRA, na matatagpuan sa Julia Vargas Avenue corner Meralco Avenue sa Pasig City, kung saan ito raw ay isasagawa upang magkaroon ng kaalaman ang bawat isa sa kalsada sa pamamagitan ng pagbibigay ng theoretical at praktikal na pagsasanay sa mga rider ng motorsiklo.

READ:NO MORE BACKLOG IN DRIVERS LICENSE PLASTIC CARDS ON JULY

READ: PULIS, HULI SA OPERASYON NG DOTR-SAICT SA SAMPALOC MANILA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this