PANGULONG MARCOS JR. NANGAKO NG SUPORTA SA AFP

MANILA PHILIPPINES – Nangako si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ng suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng karagdagang resources training at kagamitan para mapaghusayan pa nito ang kanilang mandato.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. kailangan ng AFP na palakasin ang kanilang kapabilidad habang nagpapalit sa kanilang transisyon mula internal operation patungong external defense posture.

Now, I am sure that all of you are aware now that the internal threat has been reduced”, “Gagawin natin ang lahat para may kakayahan kayo. You have the capability to do the job, that is this new job that you have to face. You have the capability,” ayon kay Pangulong Marcos.

Anya kailangang lumipat ng militar para maipagpatuloy nito ang kanilang mandato tungo sa kaligtasan ng publiko at ng seguridad ng teritoryo ng Pilipinas laban sa kasalukuyang mga umuusbong na banta.

Kabilang raw dito ang mga civilian government, katuwang ang liderato ng AFP hanggang sa mga commander nito sa ibat ibang unit ay magta trabaho upang palakasin ang mga pwersang panseguridad.

Gagawin natin ang lahat para may kakayahan kayo. You have the capability to do the job, that is this new job that you have to face. You have the capability. You have the training. You have the equipment and that we will be able to present at least a deterrent force,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Binati ng Pangulo ang mga tropa ng 10th ID sa kanilang mga tagumpay sa pamamagitan ng pagsusumikap, kasanayan, at katapangan.

Hinimok niya ang mga sundalo na maging peacekeepers sa pamamagitan ng paghikayat sa mga rebeldeng komunista na bumalik sa gobyerno.

Hindi naman tayo nakikipag-giyera kahit na kanino. Wala naman tayong gustong pasukin. Tayo ay defensive lang naman tayo at dinedepensahan lang natin ang bansa natin,sabi pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this