PBBM PINAGHAHANDA ANG MGA MILITAR SA POSIBLENG BANTA

MANILA PHILIPPINES – Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang mga miyembro ng Philippine Army partikular na ang 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela na maghanda sa anumang mga external threats bilang resulta sa tumataas na geopolitical tension sa Indo-Pacific Region.

Ayon sa Pangulo malapit lang ang Pilipinas sa Taiwan kung saan nagpahayag ng interest ang China, kaya mahalaga na ang northern part ng Pilipinas ay maging handa sa anumang mga banta.

Anya kung dati raw ay nasa internal security lamang ang trabaho ng mga tropa sa pamamagitan ng paglaban sa mga local terrorist groups, communist groups, at iba pang domestic threat.

Ngunit dahil matagumpay na hinarap ng gobyerno ang panloob na seguridad, ang focus mula noon ay lumipat sa mga panlabas na banta, partikular na ang mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“[T]he external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. And that is why we have to prepare,” ayon kay pangulong marcos.

Binigyang-diin ng Pangulong Marcos sa mga sundalo na kabilang sa kanilang misyon ngayon ay ang territorial defense mula sa external threats.

Bagama’t wala raw kinukuhang teritoryo ang Pilipinas, hindi raw isusuko ng bansa ang alin mang sovereign territory sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ, the baseline,” sabi pa ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this