MANILA, PHILIPPINES – Mahigpit ngayon na pinapaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasang mag imbak ng tubig o anumang bagay na maaring pamahayan ng mga lamok dahil sa posibleng tumaas ang kaso ng Dengue sa bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, pagsapit ng July at August posible ng tumaas ang mga naitatala nilang kaso ng Dengue.
“Kahit nakikita naming bumababa ‘yung numero, yung bilang ng kaso ng dengue nationwide, hindi pa rin kami natutuwa kasi alam natin ‘pag panahon ng tag-ulan, dumadami ang kaso ng dengue,” saad ni Asec. Albert Domingo sa kanyang facebook post.
READ: DOH, NAOBSERBAHAN ANG PAGBABA NG DENGUE CASE SA PILIPINAS
Kaya naman panawagan nila sa mga lokal na pamahalaan gayundin sa publiko na maging malinis sa kapaligiran lalo na sa mga inimbak na tubig sa bahay man o sa kalsada.
Kadalasan daw kaseng nainirahan at nagingitlog ang mga lamok na may dalang sakit ay sa mga alulod, maliliit na timba o balde na may lamang tubig, kanal, lumang gulong ng sasakyan at iba pa.
Maaari rin daw pangontra sa lamok na may dalang dengue ang pagsusuot ng long sleeve at pants, pagpapahid ng repellant lotion at pagkonsulta sa doktor kung may nararamdamang sintomas ng dengue.
Ilan sa mga sintomas ng Dengue ang pananakit ng ulo, panghihina, pagsakit ng katawan, sakit sa likod o mata, pagsusuka, pagpapantal, pagtatae at pagkawalang gana kumain.
READ: DOH, NAGBABALA VS. MGA SAKIT NA MAARING MAKUHA TUWING LA NIÑA
Sa Central Visayas, tinatayang nasa 6,000 kaso ng Dengue ang kanilang naitala mula January hanggang May ng taong kasalukuyan.
Sa ngayon may mga lokal na pamahalaan na sa bansa ang nagpapatupad ng Anti-Dengue Spraying sa kanilang mga nasasakupan.
Gayunpaman sabi ng DOH wala pa rin daw dapat ipangamba dahil kontrolado ng kanilang kagawaran ang naturang sakit.
Kabi-kabilang paalala rin daw ang kanilang isinasagawa para sa kaalaman ng publiko.