BIG-TIME HIKE SA PRESYO NG PETROLYO, NAKAAMBA

Manila, Philippines – Matapos ang isang round ng rollback, nagbabadya para sa mga motorista ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ang tinatayang presyo sa bawat litro para sa susunod na linggo ay nasa:

Gasoline – P0.60 hanggang P0.85
Diesel – P1.45 hanggang P1.70
Kerosene – P1.85 hanggang P1.90

We will be expecting an increase in the domestic pump prices of petroleum products by Tuesday next week due to the developments in the international oil market,” saad ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.

Samantala, ang paggalaw ng presyo ay nagdala sa year-to-date na kabuuang pagsasaayos ng gasolina na tumaas ng P6.05 kada litro at diesel na P4.25 kada litro.

Ang kerosene naman ay may year-to-date na pagbaba na nasa P1.55 kada litro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this