MANILA, PHILIPPINES – Sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ng Luxury bags authentication workshop dito sa Pilipinas na dinaluhan ng iba’t ibang luxury bags seller.
Pinangunahan yan ng PGO Academy mula pa sa Malaysia na isa sa pinakamalaking one stop authentication economy sa buong Southeast Asia.
Naging posible yan sa pamamagitan ng Business owner na si Ms. Junel Rufino, owner ng LuxeTrust by Amethyst.
Ayon kay Rufino bahagi ito ng kanyang patuloy na suporta sa mga kagaya nyang may negosyo na mga original bags.
Bukod doon nais nya rin daw na maiangat ang kamalayan ng mga business owner pagdating sa tamang pagtingin at pagbusisi ng mga original items sa mga fake items.
“So sa LuxeTrust ang pinaka goal ko dito ay to spread this knowledge, meaning to my Filipino kababayan luxury sellers natin, community natin, gusto ko pong iangat yung kaalaman, yung knowledge, yung talent, capability natin na kaya rin nating bumili,” sabi ni Rufino sa isang panayam.
“Gusto ko sanang ipalaganap yung ganitong klaseng training para ma-aware po tayo sa pagbebenta ng mga fake bags sa mga legit bags, counterfeit.” dagdag pa nito.
Ilan sa mag business owner na dumalo sa naturang workshop sinabing malaki ang maitutulong nito sakanilang negosyo gayundin ang kahalagahan ng kanilang mga natutunan gaya ng tamang pagkilatis sa mga fake at original bags.
Mahigit sa 25 filipino seller ang nakibahagi sa 2-day Luxury Bags Authentication Workshop dito sa Pilipinas at asahan pa raw na unang batch pa lamang ito.
Ilang personalidad din ang nagpaabot ng pagbati sa tagumpay ng Luxetrust Amethyst sa kauna-unahang Luxury authentication training dito sa Pilipinas.
Samantala nagkaroon naman ng graduation ceremony ang mga nakapasa sa naturang workshop kung saan nakakuha sila ng certificate of recognitaion bilang pakikipabahagi sa trainings.