Davao City – Idineklarang pangalawa sa pinakaligtas na siyudad ang Davao City sa Timog-Silangang Asya Numbeo Southeast Asia: Safety Index For 2023 na mayroong safety index score na 72.4.
Itinalaga naman ang syudad ng Chiang Mai sa Thailand na pinaka-una na mayroong score na 72.5 at pangatlo naman ang Singapore na may score na 70.8.
Ang hakbang na ito ay nakabase sa general crime levels ng isang syudad o bansa.
Ayon sa Numbeo Southeast Asia, na ang Manila at Quezon City ay mayroong 65.4 at 63.2 na crime rate, at pangatlo at pangapat naman ang Kuala Lumpur at Klang sa Malaysia.
Ang nasabing resulta ay nakuha sa mga nakolektang survery questionnaires katulad ng mga scientific at government surveys na kalkulado simula 0 hanggang 100.
Ikinatuwa naman ng Police Regional Office-11 ang resulta ng survey at sinabi na ang ganitong positibong resulta ay magpapapataas ng moral at diwa ng Philippine National Police (PNP) sa bansa.