PARIS-BOUND: 20 ATLETANG PINOY, PASOK NA SA 2024 OLYMPICS

Halos isang buwan na lamang bago ang opisyal na pagsisimula ng 2024 Summer Games, nadagdagan pa ang hanay ng mga Pilipinong atletang lalahok para sa darating na Paris Olympics.

Mula sa 15, kasalukuyang nasa 20 na ang opisyal na bilang ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Olympics 2024 kasunod ng limang bagong pangalan na dumagdag sa listahan.

Kabilang sa mga aabangan na rin sa Summer Games ang dalawang Pinay golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina matapos matagumpay na maselyuhan ang kanilang tyansa na tumuntong entablado ng palaro.

Nagtapos si Pagdanganan sa ika-35 pwesto habang ika-55 naman si Ardina sa Official World Golf Rankings, sapat para mapabilang sa Top 60 golf players ba makakapasok sa Olympics.

Makaraang maselyuhan ang ticket patungong Paris games, ito ang magiging pagbabalik ni Pagdanganan sa Olympics matapos lumahok sa Tokyo leg.

Para naman kay Ardina, panibagong tyansa ito para sa atleta na matatandaang qualified para sa 2016 Rio Games ngunit hindi nakapagpatuloy dahil sa Zika virus.

Samantala, diretso na rin sa palaro sa larangan naman ng swimming sina Kayla Sanchez at Jarod Hatch via universality places.

Kapwa nominado ang dalawa bilang recipients ng universality places mula sa World Aquatics at nakatakdang lumahok sa Women’s 100m Freestyle at 100m butterfly.

Sakali namang maaprubahan ang request ng bansa para sa karagdagang events para sa dalawang atleta, may pag-asa rin si Sanchez na sumalang sa 100m backstroke habang sa 100m naman si Hatch.

Bukod sa apat na ito, pasok na rin sa Paris roster ng Pilipinas si Kiyomi Watanabe sa larangan ng judo matapos makakuha ng continental quota.

Sasabak sya sa Women’s 63 kilogram event ng judo-ka, na kanya ring magiging pagbabalik sa entablado ng Olympics.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this