IKA-5 TAON NG 4PS, INSPIRATION SA MGA SUSUNOD NA BENEPISYARYO

Ginugunita ngayong araw ang ika-5 taon ng pagiging “institutionalized” ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa bisa ng Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Act of 2019, naisabatas ang programa bilang istratehiya ng pamahalaan na labanan ang gutom at kahirapan na nararanasan sa bansa.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, layon ng selebrasyon na maipakita ang mga naging tagumpay ng programa.

Kasama rin dito ang paghihikayat sa mga stakeholders ng DSWD para mas mapaunlad pa ang kalagayan ng mga 4ps beneficiaries.

“It has been five years since the program was institutionalized through the 4Ps Act and in that short span of time, several milestones have been achieved that are worthy of recognition. We owe these noble gains of the program to the beneficiaries themselves who put into good use the benefits that they received from the government. We also take cognizance of the contributions of partners and stakeholders to ensure that the program is on track of its objectives,” ani Dumlao.

Mula pa noong 2008, marami na ang naging bahagi ng programang ito na nabigyan ng conditional cash transfers hanggang 7 taon.

Samantala, sa nagdaang Liscensure Examination for Teachers, ang dating 4ps monitored child na si  Khane Jevie Rose Cervantes ang naging Top 1.

Ang pagdiriwang na may temang “5ingko: Kwento at Larawan ng Pangarap, Pagtataya, Pagbabago, at Pagtataguyod ng Pamilyang Pilipino” ay magaganap mula June 25 hanggang June 28.aA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this