CEBU CITY, NAGLABAS NG GUIDELINES SA PWD ID VS PEKENG CARD

CEBU,CITY – Nagsagawa si Acting Cebu City Mayor Raymond Garcia ng isang hakbang tungo sa pagpapahusay ng pagbibigay seguridad ng mga Persons with Disability (PWD) ID card, bilang tugon sa mga alalahanin sa mga pekeng card na ibinebenta sa lungsod.

Sinabi ng alkalde na ang mga alituntunin ay tinatapos na ngayon at malapit nang ipatupad, dahil binigyang-diin nito ang pagpapabilis pagbabagong ito at iniintay na lamang ang dokumento at kanyang pirma.

Ani Garcia na ginawa ng City Administrator’s Office ang mga bagong alituntunin, na naglalayong mas mahusay na ikategorya ang mga PWD at ipakita ang pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH), upang matiyak ang tumpak na pagkakakilanlan ng mga karapat-dapat na indibidwal.

Inatasan pa ni Garcia ang Bids and Awards Committee (BAC) na tuklasin ang mga panukala para sa bagong henerasyon ng PWD at Senior Citizens cards.

Layunin din daw ng naturang programa na iwasana nag mga pamemeke sa mga pwds card.

Ang mga pagsisikap na ito umano ng lungsod ay nakakuha ng momentum kasunod ng isang executive session ng Konseho ng Lungsod kung saan natugunan ang mga isyu tungkol sa ipinagbabawal na pagbebenta ng mga PWD card.


Sa nasabing sesyon, binigyang-diin ni City Councilor James Anthony Cuenco, na unang nagbigay-pansin sa publiko sa anomalya ng PWD ID, ang mga hamon sa loob ng Department of Social Welfare and Services (DSWS), na kinikilala ang inefficiencies kung saan pinalala ang mga isyu sa Internet connectivity.

Bilang tugon, ang Management Information and Computer Services (MICS) ay nagharap ng isang panukala para sa mga pag-update ng system at ipinangako na pahuhusayin pa ang mga hakbang sa seguridad sa mga bagong PWD card sa loob ng tatlong buwan.

Dagdag naman ng alakalde na ang repormang ito ay bahagayang maipapatupad bago matapos ang kaniyang anim na buwang termino, kung saan ito raw ay isang marka ng pagtiyak sa integridad sa paglalabas ng PWD Card at pagapaptibay ng pananagutan sa mga kaugnay na departamento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this