Hindi bababa sa tatlong lalawigan ang nagpositibo na rin sa paralytic shellfish poison o nakakalason na red tide na lumagpas sa regulatory limit batay sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng BFAR na ang mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pag-konsumo ng tao.
.(Coastal water)Dauis at Tagbiliran City
.(Dumaquillas Bay)Zamboanga del Sur
.(Coastal water) San Benito, Surigao Del Norte
Ngunit sinabi ng bureau na ang isda, pusit, hipon, at alimango mula sa nasabing mga lugar ay ligtas na kainin ngunit sa kondisyon na ang mga ito ay sariwa at hugasan lamang ng maigi, at ang mga hasang at bituka nito ay kailangan tanggalin bago lutuin.
Nagbabala naman ang BFAR na ang lasa at hitsura ng mga nakalalasong shellfish ay walang pinagkaiba sa mga hindi nakakalason.
Idinagdag pa nito na kahit ang pagluluto ng mga ito ay hindi kayang sirain ang red tide toxin.