MANILA PHILIPPINES – Welcome Development para sa gabinete ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakatalaga ni Senator Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education (DEPED) ayon sa pahayag ni Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon.
Umaasa ngayon si Gadon na ang pagkakatalaga ni Angara ay makatutulong para mapataas pa anG Programme for International Student Assessment o PISA ratings.
Anya, umaasa rin syang malaki ang kanyang maiaambag sa pagpapabuti ng ating human resource development sa pamamagitan ng pag-akay sa sektor ng edukasyon sa bago at mas mabuting direksyon.
“I am likewise hopeful that he will contribute a lot in the improvement our human resource development by way of leading the education sector to a new and better direction,” sabi ni gadon sa isang pahayag.
Ang edukasyon anya ay isang pangunahing susi sa pagpapagaan ng kahirapan kaya masaya raw ito na sa pamamagitan ni Angara ay isang taong talagang may kakayahang magsagawa ng mga reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Samantala ikinatuwa naman ni Senator Nancy Binay ang pagkakatalaga kay Angara na aniyay kasama nya rin hindi lang sa senado kundi pati na sa kanilang grupong tinawag na solid 7 sa senado.
Sa mga naging karanasan anya ng bagong kalihim naniniwala ito na ma-iingat nito ang sistema ng edukasyon at mapaninindigan ang posisyon.
Sasaluhin ng bagong talagang kalihim ng kagawaran ang ilang suliranin sa edukasyon kabilang na ang katatapos na PISA ratings kung saan dapat mapabuti ang overall performance ng mga estudyante sa bansa.
Kabilang dito ang national recovery sa English, Math, Science, at Reading.
Magsisimulang magtrabaho si Angara sa kanyang bagong puwesto pagkatapos ng termino ni VP Sara Duterte sa kagawaran sa July 19.