Patay ang isa sa mga itinuturong nasa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid matapos umano nitong barilin ang sarili nang aarestuhin na.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na nasa kalagitnaan ng pagsisilbi ng arrest warrant laban sa suspek ang mga awtoridad Linggo ng umaga nang barilin nito ang kanyang sarili.
Dagdag nya, armado at hindi sumuko ang suspek, at kalaunan ay binaril ang sarili sa harap mismo ng mga negotiators, ang kapitan ng barangay at pinsan ng suspek.
Ilang sandali lamang din ito makaraan nyang pakawalan ang kanyang live-in partner at anak na ginawa nyang hostage.
Kinilala ang suspek bilang si Alias Orly o si Jake Mendoza, 40 taong gulang, na sinasabing tumulong sa gunman na si Joel Escorial para planuhin ang pagpatay kay Lapid noong Oktubre 2022.
Si Lapid ang ikalawang journalist na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.