Manila Philippines – Nakumpiska ng Bureau of Customs at ng Department of Agriculture ang toneladang mga agricultural products na walang mga permit sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang dalawang ahensya kung saan nakitaan ang mga produkto na walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Animal Industry, Bureau of Plant Industry, at Buraeu of of Fisheries and Aquatic Resources.
Isang shipmemt mula sa isang Japanese national ang nahulihan ng nasa 527.10 kilograms na fresh beef, 26.5 kilograms ng manok, anim na pung piraso ng mga itlog, 57.1 kilograms ng ibat ibang prutas at gulay, at 57.10 kilograms ng mga fishery products.
Sa sumunod na araw, isa muling pasaherong Japanese national ang nakuhanan ng 140.2 kilograms ng meat products, sampung piraso ng mga itlog, 165 kilograms ng mga halaman, pritas at gulay, at 235.5 kilograms ng ibat ibang fishery products.
Lahat ng nasamsam na mga produkto ay ipinadala na sa BAI, BPI, at BFAR, kung saan mas masusing iimbestigahan ang mga nasabing produkto at upang masigiro na walang panganib na dala ang mga ito.
Pinaalalahanan ni District Collector Yasmin Mapa, na laging kumuha at dapat mayroong tamang permit sa lahat ng mga mag iimport ng mga ganitong produkto.