MANILA, PHILIPPINES – Nagpahayag ng agam agam ang ilang mambabatas sa inihaing panukalang batas ng kapwa nila kongresista na may kaugnayan sa random drug testing sa mga opisyal ng gobyerno na isasagawa kada anim (6) na buwan.
“Sana lang the intent is good para sa kabutihan ng taumbayan, because we are legislators to file bills for the betterment of the Filipino people at hindi para mang asar or mang single out or use your position ahm, to do things na may personal aspects.” sinabi yan ni Congresswoman Margarita Nograles sa isang press conference.
“We hope na lang to see na they should be less personal agenda’s in the filing of bills and towards the vision of a better country.” saad naman ni Congressman Cheeno Miguel Almario.
Sinabi pa ni Congresswoman Nograles at Congresswoman Amparo Zamora, na bagamat nirerespeto nila ang kagustuhan ni Duterte na maipasa ang kanyang panukala, mas mabibigyan daw nya ito ng eksplenasyon sa komite kung personal syang dadalo sa mga pagdinig ng kongreso at iba pang hihimay sa nilalaman nito sa halip na ipasa nya ito sa iba pang mga kongresista.
“Again, lilinawin namin noh samin dito magandang maganda yung intensyon ni Congressman Paolo Duterte, having said that mas excited po kami na makasama siya sa Committee hearings pag pintawag na to ng tamang komite, excited kaming maksama siya, maging malinaw po tayo don.” sabi ni Congresswoman Amparo Maria Zamora.
Binigyag diin din ni Nograles na sana’y isinama na rin daw sa naturang panukala ang drug testing sa lahat ng lokal na opisyal at hindi lang sa mga opisyal ng gobyerno.
Lalo na raw at kamakailan lang 37 opisyal ng local government unit sa Davao City ang nagpositibo sa random drug testing.
Samantala una ng nabanggit ni Atty. Nograles na ilang legal na aksyon ang kahaharapin ng naturang panukala lalo na’t may kaso ng naipasa sa Supreme Court na maituturing unconstitutuinal ang mandatory drug testing kung magiging qualification ito ng isang kandidatong tatakbo sa isang partikular na posisyon.
Inaalis naman ng mga kongresista sa publiko ang mga espikulasyon na may kinalaman ang pagpapasa ni Duterte ng panukalang batas sa kamakailang pagbibitiw ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batid din daw nilang alam ni Congressman Paolo Duterte ang kanyang posisyon bilang mamababatas at hindi na para idamay pa ang kanyang personal na isyu sa pagapapasa ng panukalang batas sa kongreso.