37 HOT SPOTS SA 2025 ELECTIONS, NAITALA NG DILG

Manila, Philippines – Naitala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang humigit 30 posibleng hot spots sa darating na eleksyon 2025.

Ayon kay DILG Screatary Jonvic Remulla, mayroon 37 possible hotspots sa bansa ang tinitingnan ng ahensya.

Kabilang na dito ang 28 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 3rd at 4th District ng Leyte, at mayroon rin sa Central Luzon. Ngunit, ito ay inilarawan pa rin na maunti, kumpara noong nakaraan.

Sa kabuuan, wala naman raw umanong inaasahan na marahas na halalan sa darating na eleksyon.

Matatandaan naman nitong Septyembre, nagbigay direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil sa kanyang mga tauhan na magsimula ng i-identipika ang mga posibleng lugar na may mga election concerns para sa halalan 2025.

Maliban dito, aalamin din ng PNP kung kakailanganin ng karagdagang tauhan para mag-deploy sa ilang lugar sa pag-alam ng posibleng karahasan na may kinalaman sa eleksyon.

Share this